Ang tagal ko nang hindi nakapag-sulat ng Tagalog ah. Ang sarap mag-Tagalog! :-)
Wednesday, January 09, 2008
Wednesday, May 03, 2006
Mga Sulatin sa Wikang Ingles
Malamang po naghahanap kayo ng mga bagong entries dito. Medyo hindi na po muna kayo makakakita ng mga entries dito dahil kamakailan ay mga Sulatin sa Wikang Ingles naman ang pinagkaka-abalahan ko.
Dito po: http://eipangan.blogspot.com
Hanggang sa magsawa po uli ako sa kasusulat sa Wikang Ingles, medyo matatahimik muna itong blog na ito.
Maraming salamat po sa inyong pag-intindi. :-)
Sunday, April 02, 2006
Ang Yen Laban Sa Piso
Kumuha ako ng data mula sa Oanda at ito ang nagawa ko... ang pagkukumpara ng Japanese Yen sa Philippine Peso mula nung unang dumating ako sa Japan nuong June 19, 2000 hanggang ngayon, April 2, 2006.
Ito ang mga napansin ko...
- Sa buong stay ko dito sa Japan, ang naging pinakamalaking palitan ng Yen sa Piso ay mga 0.5500 nuong December 2004. Ibig sabihin nito, sa bawat isang lapad ko ay meron akong 5,500 piso.
- Sa buong stay ko dito sa Japan, ang naging pinakamaliit na palitan ng Yen sa Piso ay mga 0.3600 nuong January 2002. Ibig sabihin nito, sa bawat isang lapad ko ay meron akong 3,600 piso.
- Mukhang pinakamagandang magpadala ng pera sa Pilipinas tuwing Disyembre dahil ikumpara sa ibang buwan, mas malaki ang palitan ng Yen at Piso.
- Pinaka-hindi magandang magpadala ng pera sa Pilipinas tuwing Marso dahil ikumpara sa ibang buwan, mas maliit ang palitan ng Yen at Piso.
- Anu ba ang nangyari nung November 2000 at January 2001 ay may malaking pagbagsak ng Yen laban sa Piso?
- Ikumpara sa ibang buwan, medyo stable ang palitan ng Yen at Piso sa mga buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Pinaka-volatile mula Nobyembre hanggang Enero.
- Mula ngayon, mukhang hihinto muna ang palitan ng Yen at Piso sa 0.4400 piso bawat yen. Ibig sabihin nito, sa bawat isang lapad ko ay meron akon 4,400 piso.
- Maraming pera ang mga Pilipino na nasa Japan nuong 2004 habang konti naman ang pera nuong 2002.
- Ang 2006 ay mukhang sinusunod ang pattern ng 2003.
Tuesday, March 21, 2006
Nakaka-Depress Na Balita
Marami sa mga Pinoy dito sa Japan ang bilib na bilib sa mga News Programs ng Japan dahil hindi tulad ng mga News Programs sa Pilipinas, hindi nakaka-depress ang balita at well-rounded na may magandang halo ng politics, business, sports at weather.
Yun din ang akala ko hanggang mag-subscribe ako sa MSN-Mainichi Daily News RSS Feed.
Hindi katulad ng nakasanayan kong NHK News, parang puro krimen ang nakita ko... murder... wife found dead... suicide... fatal stabbing... mga katagang akala ko ay sa TV Patrol ko lang maririnig at makikita.
Agad akong nag-unsubscribe sa RSS Feed na ito dahil ayoko yung mga ganitong balita ang sasalubong sa akin pag-uwi ko araw-araw. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na rin ako nanunuod ng TV Patrol World kahit subscribed pa rin ako sa ABS-CBN. Mas pinapanuod ko pa yung Pinoy Big Brother at mga Tennis Games. At least dito, nae-entertain ako at hindi ako nade-depress.
Ayokong ma-depress.
Monday, March 06, 2006
Yahoo! Phone
Nung una ay may J-Phone, tapos naging Vodafone, tapos ngayon magiging Yahoo! Phone? Mukhang yan ang mangyayari kapag natuloy ang Softbank (may-ari ng Yahoo! BB) sa pagbili ng Vodafone.
Kaya sa mga nagpa-planong lumipat sa Vodafone, maghintay muna kayo.
Wednesday, March 01, 2006
Kawawang Haponesa
Ayon sa balita, may isang Kawawang Haponesa na hinuli ng mga pulis sa Kawaguchi, Saitama dahil napagkamalan siyang South-East Asian (baka mukhang Pinay) na walang dalang passport. Laking gulat na lang ng mga pulis nang mapatunayan niya na hindi siya foreigner.
Kaya para sa lahat ng mga Pinoy at Pinay dito sa Japan, siguraduhin ninyong lagi ninyong dala ang inyong Passport o ang inyong Alien Registration Card (ARC). Kapag kayo yung napag-tripan ng mga pulis at hindi niyo dala ito, kayo ang magiging "Kawawang Pinoy".
Sunday, February 26, 2006
Libreng Alternative Softwares
Marami sa mga Unibersidad ngayon dito sa Japan ang naghihigpit sa paggamit ng mga illegal softwares sa mga kompyuters ng mga estudyante. Bilang tulong na rin sa mga kebigan kong estudyante, eto na po ang aking listahan ng mga libreng alternatives sa mga mamahaling softwares na nakasanayan na nating gamitin.
Eto yung mga ginagamit ko mismo sa kompyuter ko. Hindi ko na sinama dito yung Mozilla Firefox dahil libre rin naman yung pinapalitan nitong Internet Explorer.
Adobe Elements - Picasa
Adobe PDF Writer - PDF Creator
Adobe Photoshop - GIMP
Microsoft Office - OpenOffice.org
Norton Antivirus - Avast Home Edition
Winzip - 7-Zip
At para sa mga hardcore na hanggang Operating System ay handang palitan, mukhang magandang kapalit ng Microsoft Windows ay ang Ubuntu Linux o yung mas sikat na Fedora Core.
Sana ay nakatulong ito at kung may alam kayong mas magandang alternatives, sabihin niyo lang sa akin at siguradong ito'y ikatutuwa ko.

