Saturday, March 26, 2005

Ang Pinoy Keyboard

Meron akong isang magandang business proposal.

Bakit hindi tayo gumawa nang Keyboard na para sa Pinoy? May mahigit-kumulang 80 Milyong Pilipino sa mundo at kahit 1% lang nito ang mapabili natin nang Pinoy Keyboard, 800,000 nang Keyboard ang maibebenta natin. Dahil mas madaling gamitin ito kaysa sa kasalukuyan nating ginagamit na American keyboard, sigurado akong marami ang bibili nito.

Bakit ko napag-isipang kailangan nang Pinoy Keyboard? Sa tinagal-tagal kong gumagamit nang American keyboard at idagdag na rin dito ang karanasan ko sa paggamit nang Japanese keyboard, napag-isip-isip kong hindi ito sapat para tugunan ang pangangailangan nang pangkaraniwang Pinoy Computer User.

Isa, wala itong key para sa letrang "ñ". Napakahirap i-type ang letrang ito kaya karaniwang ginagawa natin ay pinapalitan na lang natin ito nang letrang "n". Dahil dito, nalilito ang mga tao sa totoong baybay nang mga salita. Ang "Niño" ay nagiging "Nino". Ang "Parañaque" ay nagiging "Paranaque". Sa Pinoy Keyboard, isang pindot lang, may "ñ" ka na.

Pangalawa, kailangan natin nang madaling pamamaraan para i-type ang mga kudlit (') sa ating mga vowels. Ang mga kudlit na ito ang tumutulong sa atin para sa tamang pagbigkas nang mga salita pero dahil sa kakulangan nang American keyboard, nawawala ito sa ating mga sulatin. Ang salitang "Personál" ay mahirap isulat, nababago ang bigkas, nagiging "Personal", nalilito ang mga tao. Sa Pinoy Keyboard, isang pindot lang, may kudlit ka na.

Pangatlo, kailangan ay may isang key lang din na magbibigay sa atin nang Peso-sign. Ang mga Amerikano ay may Dollar-key, ang mga Ingles ay may Pound-key, ang mga Hapon ay may Yen-key, bakit tayo walang Peso-key? Suportado na naman ito nang Unicode (#20B1) kaya lang kakaunti pa lang ang fonts na sumusuporta nito.

Pang-apat, maganda rin sana kung may suporta para sa pagsusulat gamit ang Alibata o ang tinatawag nang iba na Baybayin o Tagalog Script. Hindi kailangang magdagdag nang maraming keys para gawin ito... pwede nating gayahin ang IME nang Japanese keyboard. Sa Japanese IME, gumagamit ang mga Hapon nang Roman letters para i-type ang Japanese characters. Makakatulong ito para sa mga Pilipinong gustong mag-aral nang Alibata. Suportado na rin nang Unicode (#1700-#171F) ang Alibata pero tulad din nang peso sign, kakaunti pa rin ang fonts na sumusuporta nito.

Hindi lang itong apat na nabanggit ko ang pwedeng idagdag sa Pinoy Keyboard. Pwede ring idagdag ang baligtad na question mark (¿), ang baligtad na exclamation point (¡), atbp. Ang mga ito ay unti-unting nawawala sa ating wika dahil marahil ang ginagamit nating keyboard ay American Keyboard.

Sinu kaya ang pwede kong maging-partner sa negosyong ito?

Kailangang ipa-patent ko muna ito bago ako maunahan nang iba dyan... pero ok lang. Mas mabilis makagawa nang Pinoy Keyboard, mas mabuti. Bibili rin kasi ako. Hehe.

Thursday, March 24, 2005

Ang Pagiging OMG-Certified UML Professional

Nuong nakaraang Sabado ay kumuha ako at sa kabutihang palad ay pumasa sa OMG-Certified UML Professional (OCUP) Fundamental Exam. Ito ang sinasabi nilang pinakamadali sa tatlong pagsusulit na ino-offer nang Object Management Group (OMG) na pumapatungkol sa UML.

At dahil na rin gusto kong makatulong sa ibang mga Pilipino para kumuha at pumasa nito, napag-isipan kong ipunin dito lahat nang aking karanasan at natutunan. Pero kung inaasahan ninyong magbibigay ako nang mga tanong galing sa Exam, asa pa kayo!

Sumang-ayon ako sa isang kontrata nila na hindi ako pwedeng magsabi nang kahit anung bahagi nang Exam. Ito ay para na rin mapangalagaan ang reputasyon ng Certification ko. Oo nga naman... mawawalan naman nang kwenta yung pinaghirapan ko kung magli-leak lang din naman ako nang mga tanong.

Ang Pagkuha Nang Exam

  1. Binasa ko ang lahat nang mababasa kong impormasyon tungkol sa Exam mula sa website nila at sa iba pang sources. Nag-search din ako nang impormasyon mula sa Google at pati na rin sa Google Groups.
  2. Nagpa-reserve ako para makakuha nang exam. Napili kong kunin ang exam sa pinakamalapit na Prometric Testing Centers sa akin dito sa Japan. Meron din silang Testing Centers sa ibang bansa at sigurado rin akong meron sila sa Pilipinas. Medyo mahal nga lang kapag sa Japan kukunin ang exam. Ang presyo ay $200 pero pag sa Japan, ang presyo ay Y31,500 (mga $300 sa panahong ito). Dito sa Japan, pinapili nila ako kung gusto kong kunin ang Exam in Japanese o in English. Siyempre, English ang pinili ko.
  3. Inaral kong mabuti ang mga sinabi nilang dapat aralin sa website nila. Kahit medyo nakakalulang intindihin ang UML 2.0 Superstructure Specification ay pinilit ko itong intindihin. Marami rin kasi sa internet ang nagsabi na mahalaga ito para makapasa sa Exam na ito at sa tingin ko ay tama nga sila.
  4. Sa araw nang exam, ang kinailangan ko lang dalhin ay ang Confirmation Letter nila na natanggap ko sa email at ipinirint ko. Kasama na rin ang dalawang Identification Card... isang may picture (hal. Driver's License) at isang may signature (hal. Credit Card). Nakasulat naman sa Confirmation Letter nila kung anu-anong klase nang Identification Card ang tinatanggap nila at kung hindi pa rin sigurado, maaari niyo silang tawagan at tanungin.
  5. Pagkatapos kunin ang exam ay malalaman kaagad ang resulta. Pagkatapos yata nang isang buwan, makakatanggap ako nang Certification Kit. Hindi ko pa natatanggap ito kaya hindi ko pa maiku-kuwento sa inyo pero nakasulat naman sa FAQ nila kung ano ang laman nito.

Mga Payong Kaibigan
  1. Mag-aral kayong mabuti dahil hindi maliit na pera ang $200. Kapag binagsak ninyo ang Exam at mag-apply uli kayo, walang discounts at $200 pa rin ang babayaran ninyo.
  2. Siguraduhing pag nag-aaral kayo, hindi nyo lang matutunang magbasa at umintindi nang mga UML diagrams, intindihin niyo rin kung anu ang tawag sa mga baha-bahagi nito.
  3. Siguraduhing na-master ninyo ang *Basics* nang apat na UML Diagrams na sakop nang Fundamental Exam: Class Diagrams, Activity Diagrams, Interaction Diagrams (kasama na ang Sequence Diagrams) at Use Case Diagrams. Kung hindi sigurado kung alin ang "Basics", basahin muli yung PDF file sa Website nila.
  4. Makakatulong din kung may experience kayo sa pag-drowing nang UML Diagrams kaya simulan niyo nang gumamit nito sa mga Documentations nang projects ninyo. Mas madali kasing matandaan yung mga konsepto kapag nagamit niyo na sa aktuwal na proyekto.

Sana ay nakatulong ako para mabigyan kayo nang impormasyon tungkol sa Exam na ito. Sana rin ay ma-inspire ko kayo na kumuha nito. Sabi nga nila sa Japan, "Ganbatte Kudasai" na sa Filipino ay "Galingan mo!"

Basta ako, pinag-iisipan ko pa ngayon kung kukunin ko ba yung susunod na exam nila, ang OMG-Certified UML Intermediate Exam. Hanggang sa susunod.