Marami sa mga Unibersidad ngayon dito sa Japan ang naghihigpit sa paggamit ng mga illegal softwares sa mga kompyuters ng mga estudyante. Bilang tulong na rin sa mga kebigan kong estudyante, eto na po ang aking listahan ng mga libreng alternatives sa mga mamahaling softwares na nakasanayan na nating gamitin.
Eto yung mga ginagamit ko mismo sa kompyuter ko. Hindi ko na sinama dito yung Mozilla Firefox dahil libre rin naman yung pinapalitan nitong Internet Explorer.
Adobe Elements - Picasa
Adobe PDF Writer - PDF Creator
Adobe Photoshop - GIMP
Microsoft Office - OpenOffice.org
Norton Antivirus - Avast Home Edition
Winzip - 7-Zip
At para sa mga hardcore na hanggang Operating System ay handang palitan, mukhang magandang kapalit ng Microsoft Windows ay ang Ubuntu Linux o yung mas sikat na Fedora Core.
Sana ay nakatulong ito at kung may alam kayong mas magandang alternatives, sabihin niyo lang sa akin at siguradong ito'y ikatutuwa ko.
Sunday, February 26, 2006
Libreng Alternative Softwares
Thursday, February 23, 2006
Ang Maynila Ayon Kay Prince Charles
Ayon sa balita, may nakita raw silang private journal kung saan inilalarawan ni Prince Charles ang Maynila bilang "awful, smelly polluted harbour absolutely clogged with filth and rubbish."
Aray ko po!
Dati kapag ako ay nakakarinig ng mga ganitong balita, ang una kong reaksyon ay ang ipagtanggol ang Maynila. Maghahanap ako ng mga litrato ng Roxas Boulevard, Intramuros, Luneta, Baywalk at lahat pa ng magagandang lugar sa Maynila. Isasama ko na rin ang mga litrato ng Makati, Ortigas, Eastwood, Rockwell at pati na rin ang mapunong Quezon City.
Kung kukulangin pa yun ang maghahanap rin ako ng mga ghettos ng Inglatera para lang patunayan na hindi lang ang Maynila ang may ganun.
Pero hindi na ngayon.
Papasalamatan ko na lang si Prince Charles sa pagiging pranka niya sa kanyang journal (malamang ito ay dahil hindi niya inaasahang lalabas ito sa media). Binawi naman niya sa pagdadagdag na "the Philippines were incredibly friendly and warm-hearted and pleased to see the British."
Kanya-kanyang opinyon lang yan.
Thursday, February 16, 2006
Bad Boy Rico
Ito po ang aking bagong Avatar.
Mula ngayon, ito na po ang magiging Avatar ko sa Blogger, Skype, Friendster, at Yahoo 360.
Ang haba nung list na yun ah... medyo na-sobrahan yata ang aking internet profiles.
Hehe.
Tuesday, February 07, 2006
Panahon Na Ng Mga Videos!
Pabilis na ng pabilis ang internet... halos lahat na dito sa Japan ay naka-broadband... kahit sa Pilipinas ay dumarami na rin ang naka-broadband. Kasabay ng pagbilis ng internet ay ang pagdami ng mga taong magpo-post ng home-made videos sa internet.
Ito po ang kauna-kunahan kong video post sa Google Video at gusto ko sanang i-share sa inyo.
Ako yung nakabarong. Yes, alam ko pong medyo mali yung costume pero wala namang halos Pinoy sa mga nanunuod kaya ok lang yan... pabayaan niyo na ko. Hehe.
