Tuesday, March 21, 2006

Nakaka-Depress Na Balita

Marami sa mga Pinoy dito sa Japan ang bilib na bilib sa mga News Programs ng Japan dahil hindi tulad ng mga News Programs sa Pilipinas, hindi nakaka-depress ang balita at well-rounded na may magandang halo ng politics, business, sports at weather.

Yun din ang akala ko hanggang mag-subscribe ako sa MSN-Mainichi Daily News RSS Feed.


Hindi katulad ng nakasanayan kong NHK News, parang puro krimen ang nakita ko... murder... wife found dead... suicide... fatal stabbing... mga katagang akala ko ay sa TV Patrol ko lang maririnig at makikita.

Agad akong nag-unsubscribe sa RSS Feed na ito dahil ayoko yung mga ganitong balita ang sasalubong sa akin pag-uwi ko araw-araw. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na rin ako nanunuod ng TV Patrol World kahit subscribed pa rin ako sa ABS-CBN. Mas pinapanuod ko pa yung Pinoy Big Brother at mga Tennis Games. At least dito, nae-entertain ako at hindi ako nade-depress.

Ayokong ma-depress.

Monday, March 06, 2006

Yahoo! Phone

Nung una ay may J-Phone, tapos naging Vodafone, tapos ngayon magiging Yahoo! Phone? Mukhang yan ang mangyayari kapag natuloy ang Softbank (may-ari ng Yahoo! BB) sa pagbili ng Vodafone.

Kaya sa mga nagpa-planong lumipat sa Vodafone, maghintay muna kayo.

Wednesday, March 01, 2006

Kawawang Haponesa

Ayon sa balita, may isang Kawawang Haponesa na hinuli ng mga pulis sa Kawaguchi, Saitama dahil napagkamalan siyang South-East Asian (baka mukhang Pinay) na walang dalang passport. Laking gulat na lang ng mga pulis nang mapatunayan niya na hindi siya foreigner.

Kaya para sa lahat ng mga Pinoy at Pinay dito sa Japan, siguraduhin ninyong lagi ninyong dala ang inyong Passport o ang inyong Alien Registration Card (ARC). Kapag kayo yung napag-tripan ng mga pulis at hindi niyo dala ito, kayo ang magiging "Kawawang Pinoy".